Lyrics
Akala ko'y ikaw,
Ngunit bakit Unan nalang ang naging sandalan,
Nakikinig at nagpapatahan sa mga hinaing kong walang katapusan.
Hindi ito para manumbat,
Kundi baka sakaling marinig mo ang tinig na humingi ng pang-unawa,
Na sa likod ng mga ngiti at mga salitang kayang sabihin,
May pusong napapagod ding kimkimin ang lahat ng damdamin.
Maraming taon nang malayo, pasan ko ang pangako,
Para sa inyo, bawat hirap ay kaya kong tiisin,
Bawat pagod at pangungulila'y aking kinakaya,
Dahil sa isip ko'y kayo ang dahilan ng bawat lakas ko,
Sapat nang makita ang larawan mong kasama
ng tatlo nating anak na nagbibigay-sigla.
Sa tuwing magkausap, lungkot ko'y aking itinatago,
Nagkukunwaring ayos lang ganun nga siguro,
Bawat araw na lumilipas, pag-uwi ang inaasam,
Yakap mo ang pangarap kong sasalubong,
Ngunit bakit tila ba may lamig na namamagitan,
Ni simpleng "Sa wakas dumating kana" "Ayos ka lang ba?" ayaw ng pag-usapan,
Sarili Kong daing, kailangan pang ipagtanggol,
Parang bawat salitang binitiwan ay may katumbas na pagtutol.
Hindi ko hinahanap kung sino ang may kasalanan,
Gusto ko lang malaman kung may puwang pa ba ako dyan?
Hindi ko hinihinging sambahin mo ako,
Makinig ka lang sana sa bigat na pasan ko.
Gusto ko lang maramdaman mong may puso rin sa kabila,
Na nasasaktan, nangungulila, at naghihintay ng iyong kalinga.
Kakampi tayo, hindi dapat magkalaban,
Sa hirap at ginhawa, iisa ang ating laban.
Kung may natitira pang tayo sa gitna ng lahat,
Pakinggan mo naman ako, huwag mo akong talikuran.
Masakit ang mga salitang binitiwan,
Ang tampo ko'y maliit na bagay lang sa iyong pananaw at isipan,
Sa pagitan natin, milya ng lupa at karagatan,
Pero bakit pati puso'y tila hindi na magtagpuan?
Isang simpleng kamusta, isang tanong na may malasakit,
"Okay ka lang ba?" kahit saglit, sapat nang maramdaman ang pag-ibig.
Wala na bang kuwentuhan tungkol sa ating mga buhay Ng isat-isa
O paulit-ulit na lang sa "Good morning," "Ingat," at "Kumain ka na ba?"
Mga desisyon at kuwento at mga naganap,
Nasa malayo ako di na ba dapat na kasama.
At kapag nagtanong, bakit tila nag-aalangan,
Parang bawat usisa ko'y may mali na agad sa iyong mata.
Ngayon ay nauuna Ng mag-update sa mga set of friends,
Mas mabilis pang sumagot sa mga kaibigang pag-uusap.
Samantalang mensahe ko'y tila kailangang maghintay,
Baka maliit na bagay lang itong aking dinaramdam para sayo.
Pero sa relasyong malayo, komunikasyon ang ating sandalan.
Long distance nga, pero bakit pati puso'y napalayo?
Nasa iisang relasyon, pero bakit parang nag-iisa ako?
Kung mahalaga pa ako, bakit ganito ang nadarama?
Mahal mo pa ba ako, o nakasanayan mo na lang na nandiyan ako?
Atensyon at oras, pagpapahalaga't respeto,
Mga simpleng bagay na bumubuo sa salitang "Mahal mo ko".
Hindi dapat hinihingi, lalong hindi ipinagmamakaawa,
Pero bakit kailangan ko pang ulit-ulitin ang bawat salita?
Sa tuwing bubuksan ko ang bigat ng aking damdamin,
Sumbat ang isinasagot, nakaraan ang iyong sangkalan.
At sa dulo ng usapan, ako Ang may tampo pero ako pa ang hiningi ng tawad,
Kahit ang nais ko lang ay maintindihan mo ang nadarama.
Paulit-ulit kong pinili na ikaw ay unawain,
Baka may sugat ka ring hindi kayang amining dalhin.
Nangako tayong magkasangga sa hirap at ginhawa,
Pero bakit tuwing may sugat, ako lang ang nagtatahi?
Oo, aminadong may pagkukulang din ako,
May mga panahong hindi ko rin nagampanan ang parte ko.
Humingi ako ng tawad, sinikap kong magbago,
Hindi para patunayang tama ako, kundi para iligtas ang tayo.
Kung pareho pa nating nais na buuin ang nasira,
Sana matuto tayong makinig, hindi puro depensa.
Ayokong maging kalaban ang taong pinili ng puso ko.
Ayokong makipagdigma sa taong tahanan ko,
Hindi ko hinihinging sambahin mo ako,
Makinig ka lang sana sa bigat na pasan ko.
Gusto ko lang maramdaman mong may puso rin sa kabilang banda.
Na nasasaktan, nangungulila, at naghihintay ng iyong kalinga.
Kakampi tayo, hindi dapat magkalaban,
Sa hirap at ginhawa, iisa ang ating laban.
Kung may natitira pang tayo sa gitna ng lahat,
Pakinggan mo naman ako, huwag mo akong talikuran.
Isinulat ko ang mga linyang ito,
Hindi para manisi, kundi ipaalala kung sino tayo.
Kung paano nagsimula, kung paano nangarap,
Kung paanong minsan, pagmamahal natin ay sapat.
At ako'y nandito pa rin, kahit pagod at nasasaktan,
Hinahanap ang dating ikaw na aking sandalan.
Hindi ko alam kung saan tayo nagsimulang magkalayo...
Ang alam ko lang, hinahanap ko pa rin...
Ang dating ikaw...
Ang dating tayo...
This song was made with StarSinger
Describe a person or a moment in a few words. StarSinger writes the lyrics and sings it.
FAQ
Who made "Milyang Kalungkutan"?
"Milyang Kalungkutan" was made by @cobalt_monsoon_83 on Star Singer, where anyone can write and sing an original song with AI.
What genre is Milyang Kalungkutan?
Milyang Kalungkutan is Hip-Hop / Rap.
Can I listen to "Milyang Kalungkutan" for free?
Yes. "Milyang Kalungkutan" streams free on Star Singer — no subscription required. You can also make your own: one AI song a day is free, extra songs with a lyric video are $1.99, a lip-synced music video starring you is $19.99, and cinematic videos start at $2.99.
Can I create my own AI song?
Yes. Star Singer lets you create AI-generated songs and music videos. Clone your voice, pick any style, and generate original music. Listening is free and unlimited, and one song a day is free to make — no subscription.
Thanks — this has been sent to our review team.